Kapag summer tayong mga pinoy gusto nating mag bakasyon at maligo sa dagat o sa pool pero para sa akin mas madali pa ma kita kung alin ang malinis na maliguan sa dagat kasi parati naman dumadaloy ang tubig at makikita mo kung may mga dumi ba at kung sa pool naman nako! Jan, sa simula nung bata pa ako gusto ko talaga maligo sa pool kasi malamig ang tubig at masarap lumangoy diba. Pero Naisip mo ba minsan na sa dinami dami ng naligo jan sa pool wala ba kayang umihi o natatae lol kung meron man. Kadiri noh! Kaya nga nag bago yung isip ko eh simula noon nung after ko nalaman na ganun pala ka rumi ang pool parang ayaw ko na maligo unless private na pamilya lang ang gumagamit o AKO LANG yun mas gugustuhin ko pa siguro kesa maliligo ako sa madaming taong gumagamit. Hindi natin alam baka yung iba may nakaka hawang sakit na kumalat sa tubig at na hawa ka. So para sa akin nakaka diri talaga maligo sa pool sa madaming tao kasi hindi natin alam kung may ginagawa ba sila habang naliligo.
Super kadiri kasi sya isipin eh especially kung ngayon mo lang nalaman at hindi noon. Ako inaamin ko umiihi din ako sa pool nung bata pa ako haha oo totoo yun pero hindi ko na isip na ganun din pala ang gagawin sa iba kapag naliligo din sila. So sa madaling salita para lang pala akong naligo sa toilet! Para akong naliligo sa Ihi! so isip isip din pag may time sa mga gusto maligo hahaha di nyo alam kung ano yung nasa tubig :) basta ako ayaw ko na maligo unless private na ako lang gumagamit!
Baka after mo maligo pagka kinabukasan nilalagnat kana at parang pagod na pagod ka at sakit pa ng katawan mo. Hindi po ako doctor pero feel ko lang dahil yan sa tubig ng pool na may mga bacteria o mga iba pang dumi na nasa tubig.
No comments:
Post a Comment